Thursday, December 07, 2006

Tagalog mo, Tuwid pa ba?

Kung nasa abroad ka, isang bagay na biglang mababago ay ang pananalita.
Kung nasa Japan ka, shempre kelangan nakakaintindi ka ng lengwahe ng mga Hapon.

At kung gusto mo na maintindihan ka nila, kelangan mong matutong magsalita ng lengwahe nila.

Swerte mga pinoy ,dahil sa eskwela, bahagi ng pinagaaralan natin ang ENGLISH (di po Japanese). Ang ibig kung sabihin, dahil nasa Canada ka (tayo pala) di masyado mahirap mag-english. Kaso si lang English lengwahe rito, may French, at shempre ang bagal at bilis ng pagsasalita nila mejo nakakaapekto sa ating pagintindi. Nabanggit ko ba ang Newfie? At dahil multi-cultural ang Canada, marami pang ibang lengwahe ang maririnig mo, karamihan di mo maiintindihan. Chinese, Afrikaans, Swati, RUssians, Urdu, Assamese, Bengali, at kung anu-ano pa.


Madali ka bang mag-adapt sa lamig at ginaw dito? Ganun din ba sa Lengawahe? Alam mo pa ba ang Filipino? Tagalog? Cebuano? Bisayan? Madaling itipa sa keyboard, pero naiimik mo pa ba? Kung marinig mo man, naiintindihan mo pa ba?


Kung sagot mo HINDI.... Owsssss? Maniwala ako sa iyo!
Kung naiintindihan mo binabasa mo ngayon... Filipino ka pa!

Mabuhay!
At kung sa opinyon mo wala itong kwenta... abah! Magreact ka!
Pero teka, kung magko-comment ka, pwede bang sa wikang Filipino lang?
Salamat po!


Wednesday, December 06, 2006

Kung Pinoy si Noah??.

BABALA: "Ang artikulong ito ay nakalathala sa Internet sa kategoryang JOKES. Ewan ko ba, pero di ako natatawa. Makatotohanan ang bawat paliwanag ni Noah. Hayy... Buti na lang at di sya Filipino."

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't-ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko
na ipinagawa ko sa iyo?"

Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.

Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.

Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.

Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang Manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation".

Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".

"Hindi po ako pumayag kaya ha nggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong
proyekto." Ang huling wika ni Noah.

Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.

->> Source <<--

Tuesday, October 10, 2006

Mga Ginintuang Aral Mula Kina Inay at Itay


"Tandang tanda namin ni Kuya ang saya at lumbay sa poder nila inay at itay... lalo na ang mga magagandang leksyon na natutunan namin sa kanila..."




Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.

"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Mga punyeta kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL.
"Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"

Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."

Kay Itay naman natuto ng FORESIGHT si Kuya.
"Siguraduhin mo na lagi kang mag susuot ng malinis na brief, para pag nakascore ka sa syota mo e di ka hihiya hiya."

Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

Kay Inay ako natuto ng science of OSMOSIS.
"Punyeta, itigil mo ang kadadakdak at tapusin mong kainin ang inihanda kong hapunan para sa iyo."

Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?"

Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos kainin lahat yan gulay mo!"

At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng WEATHER.
"Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan ng parang Nanay mo!"

Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?."

Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Tangna kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay...."!

At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay....!"

Si Inay naman ang nagturo sa aking kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!"

Kay Itay naman natuto si Kuya ng HOW TO BECOME AN ADULT.
"Kung di ka matutong magbati, eh di ka nga tatangkad."

Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya."

Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.
"Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat."

At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana'y matulad sila sa yo... haliparot!"